Home Page
About Us
News
Schedule
Links
Contact Us

Search our Site
Search our Site
Search for...

Contact Us!
Contact us by using our convenient online form.

Filipino Young Adults
  "An Evening with Friends"
  Glimpses of An Evening With Friends

Reflections for Fathers
  Reflections on St. Joseph, Model of Fatherhood

Women's Corner
  A Successful Women's Prayer Breakfast!

Simbang Gabi 2007
  Nov 10, Sat 9:30am Simbang Gabi Workshop
  Nov 24, Sat 2pm Parol Making Workshop

Photo Album
  Opening Day of Simbang Gabi w/ the Filipino Youth
  Simbang Gabi photos at St. Anthony
  Simbang Gabi photos @ St. Philip Church
  1st Simbang Gabi held @ Nativity Church in Burke, VA
  Simbang Gabi Finale
  Sept 29, 2007 Feast of San Lorenzo Photos

Past Events
  Sept 29, Sat 5:30pm Mass for Feast Celebration of San Lorenzo Ruiz
  April 23, Wed 7pm
  Dec 8, 2007 Sat Christmas Concert @ St.Michaels
  May 16, Friday 7:30pm Dinner & Dance
  March 1, 2008 Sat Lenten Retreat
  April 5, Sat 9am "Vision & Mission" Leadership and Facilitator's Training Workshop

Filipino Ministry of Northern Virginia at 26037 Rachel Hill Drive, South Riding, VA 20152 US - Pebrero 25, Linggo

Pebrero 25, Linggo
Padre Ramil Marcos

Pebrero 25, Linggo Unang Linggo ng Kuwaresma • Lila Dt 26:4-10 • Slm 91 • Rom 10:8-13 • Lc 4:1-13 Mabuting Balita 1Umalis mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Espiritu Santo at naglibot sa disyerto na akay ng Espiritu 2sa loob ng apatnapung araw; at sinubok siya roon ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa loob ng mga araw na iyon at sa katapusa’y nagutom siya. 3Sinabi sa kanya ng diyablo: “Kung ikaw ang anak ng Diyos, iutos mo sa batong ito na maging tinapay.” 4Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao.” 5Pagkatapos ay itinaas niya si Jesus at ipinakita sa kanya sa isang kisapmata ang lahat ng kaharian sa mundo. 6Sinabi ng diyablo sa kanya: “Sa iyo ko ibibigay ang kapangyarihan sa lahat ng ito at ang kaluwalhatiang kalakip nito dahil sa akin ito ipinagkatiwala at maibibigay ko ito sa maibigan ko. 7Kaya mapapasaiyo itong lahat kung magpapatirapa ka sa harap ko.” 8Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: ‘Ang Panginoon mong Diyos ang iyong sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” 9Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa Jerusalem at itinayo siya sa nakausling pader ng Templo at sinabi sa kanya: “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula rito paibaba 10sapagkat sinasabi ng Kasulatan: ‘Iniutos niya sa kanyang mga anghel na pangalagaan ka’ at 11bubuhatin ka nila para hindi matisod ang iyong paa sa bato.” 12Ngunit sumagot si Jesus sa kanya: “Nasasaad: ‘Huwag mong hamunin ang Panginoon mong Diyos.’ ”13Kaya matapos siyang subukin ng diyablo sa lahat ng paraan, nilisan siya nito hanggang sa takdang panahon. Handog ng PiliPino Para sa iKaBuButi ng Mundo May kaibigan akong nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia. Naikuwento niya sa akin ang kanyang amo na biyudong Arabo at isang sheik (isang pinunong Arabo). Inalok daw siya nito ng kasal. Kasama sa alok na ito ang mga pribilehiyo at karapatang ibinibigay sa mga asawa ng mga Arabong may katungkulan. Subalit, kinakailangan munang maging Muslim ang babae. Pinag-isipan niya ito nang matagal. Naisip niya ang kahirapan ng mga kamag-anak niya sa probinsiya. Pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na tanggapin ang alok. Tiyak na yayaman at makikilala siya. Matutulungan niya ang kanyang mga kamag-anak. Subalit pagkatapos niyang magnilay at magdasal, nagpasya siyang talikdan ang pagpapakasal. Natanto niyang mas mahalaga pa rin para sa kanya ang pananampalatayang Kristiyano at ang kanyang saloobin. Lahat tayo ay natutukso. Si Jesus man ay tinukso. Ipinakikita sa ating Ebanghelyo ngayon ang tatlong pinag-uugatan ng kasalanan: ang layaw sa laman; ang pagiging gahaman sa kapangyarihan; ang labis na pagpapahalaga sa sarili. Pinagtagumpayan ni Jesus ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pamumuhay nang payak at may pagpapakumbaba. Iniwasan rin niya ang layaw ng mundong ito. Namuhay siyang isang dukha at nagpakumbaba para matutunan ang ganap na pagtalima. Madalas na nalalagay sa tukso ang mga Pilipinong migrante at ang kanilang mga kamag-anak. Ang mga nakamtang kayamanan ay maaaring sumira sa pamilya kung gagamitin ito sa maling paraan. Maaaring maging materyoso ang mga matatanda o mga mag-asawa, habang ang mga anak naman ay maaaring malulong sa masamang bisyo. Sa pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng mga Migrante, pagnilayan natin ang ibubunga ng migrasyon sa pamilya. Datapwat maaaring gawing kasangkapan ng Kalaban ang migrasyon upang sirain ang moralidad ng ating bayan, maaari rin itong maging kasangkapan ng ebanghelisasyon. Pinararating ng Simbahan sa mga pinuno ng bayan na huwag ituring ang mga “OFW” bilang mga kasangkapan lamang sa ikauunlad ng ekonomiya. Kung kinikilala silang mga “bagong bayani,” bayani dapat ang turing sa kanila. Nakikita ng Simbahan sa mga migranteng Pilipino ang isang matabang lupa na siyang pag-uusbungan ng bagong ebanghelisasyon. Dapat silang maging patotoo ng kanilang pananampalataya saanman sila mapadpad. Totoo ngang ikinagagalak ng sinumang obispo sa buong mundo ang pagkakaroon ng mga Pilipino sa kanilang mga lokal na Simbahan, sapagkat nakatutulong sila sa pag-unlad ng isang maka-Diyos at makataong komunidad. Bagamat sanay sa hirap, may busilak na kalooban naman ang mga Pilipino. Likas ang kanilang kabutihan, kasipagan, pagpapahalaga sa pamilya, pag-alala sa mga anak at mga matatanda, at higit sa lahat, malapit at lubos ang tiwala nila sa Diyos. Mababanaag natin ito sa buhay ni Charles “Chuck” Ibay, isang Filipino-American na may pambihirang likas na kakayahan sa larangan ng musika. Mula pa sa Pampanga ang mga magulang ni Chuck. Noong nasa Estados Unidos ang mag-asawa, pinayuhan sila ng mga doktor doon na ipalaglag na lamang si Chuck sapagkat nakita nilang may malubhang kapansanan ito. Subalit, mga tapat silang Katoliko, kaya nagpasya silang huwag ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan. Hindi nagtagal at isinilang si Chuck. Bulag na nang ipanganak ito. Subalit sa edad na dalawa, natuto na siyang mag-piano; sa edad na sampu, naglilibot at nagtatanghal na siya sa mga lunsod sa Amerika. Sa edad na labinlima, nagtatanghal na rin siya sa ilang lunsod sa Europa. Sa edad na dalawampu’t apat, bumisita siya sa Pilipinas para magtanghal. Noong ika-18 taong pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng mga Migrante at sa pagtatapos noon ng Pambansang Taon ng mga Migranteng Pamilya, nagtanghal si Chuck sa Luneta para sa kanyang mga kababayang Pilipino. Ipanalangin nating huwag maging makasarili, materyoso at gahaman sa kapangyarihan ang mga migranteng Pilipino. Maging tapat nawa sila kay Jesus na nagtataguyod ng isang mabuti at maka-Diyos na daigdig. Maging tunay nawa silang “Handog ng Pilipino sa Mundo.” Pinanggalingan: Simbahay 2007 St. Pauls Publication

(Back)

This site is hosted by CatholicWeb.com | TheCatholicDirectory.com
Powered by CompBiz EZWeb© software.
Server management powered by Spiderhost.