Tagalog Version

English Version

Reflections

IKAAPAT NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (C)

PANIMULA

Magandang _____ po sa inyong lahat. Tayo po ngayon ay nasa ikaapat na Linggo sa karaniwang panahon. Sa pagbasa ng ating Ebanghelyo, itinutuloy natin ang binasa noong isang Linggo. Sa ating pagbasa ngayon, hindi kayang matanggap ng mga tao ang pananalita ng Panginoon kaya’t siya’y itinaboy at tinangka pa nilang patayin. Magkaminsan ang mga nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ay inuusig at ang iba ay ipinapapatay pa. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, ang mensahe ng pag-ibig ang lagi nating tuntunin. Ang ating punong tagapagdiwang sa ating banal na Liturhiya ngayon ay si Reberendo Padre _______. Magsitayo po ang lahat sa pasimula ng pagdiriwang.

UNANG PAGBASA

Ang ating unang pagbasa ay naglalahad ng pagtawag ng isang binata. Sinasabihan siya ng Panginoon na maging matatag siya sa mga di pagtanggap ng mga tao sa mga ipapahayag niya. Ang binatang ito ay si Jeremias. Pakinggan natin ang

IKALAWANG PAGBASA

Pagkaraang ipahayag ni San Pablo ang mga kaloob ng Espiritu Santo, inilahad niya na ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ay ang pag-ibig. Ito ang nagbubuo ng lahat ng kaloob. Ang pananalitang ito ay winika niya sa sambayanan ng Corinto dahil sila ay nagtutunggalian at nagpapagalingan. Pakinggan natin ang

PANALANGIN NG BAYAN

P – Buksan natin ang ating mga puso upang purihin ang ating butihing Diyos, sapagkat mahal niya tayo at tutugunin niya ang ating mga panalangin. Sa bawat panalangin ang ating isasagot – Panginoong mapagmahal, dinggin mo ang aming panalangin..

1 – Minahal mo na kami, bago ka pa naming matutunang mahalin. Tawagin mo ang mga kapatid naming nagkasala at ipakita mo sa kanila ang lawak ng iyong awa. Nananalangin kami sa iyo, Panginoon.

2 – Ang marurupok naming pagkatao hindi mo nilulugmok. Aming kasalana’y di mo inaarok. Kahabagan mo ang aming mga namumuno tuwing sila’y nadarapa. Iahon mo sila at pagkalooban ng biyaya. Nananalangin kami sa iyo, Panginoon.

3 – Ang mga kabataan ay itinataas namin. Tulungan mo po sila at iyong kalingain. Huwag mo silang pabayaan, na sa droga sila’y malugmok. Bagkus sa kaliwanagan sila ay iyong gabayan. Nananalangin kami sa iyo, Panginoon.

4 – Akayin mo sa tama ang mga nasa larangan ng Media. Sa iyong batas, huwag nawa silang magsansala. Ilahad nawa nila yaong pawang tama at totoo. Nananalangin nawa kami sa iyo, Panginoon.

5 – Ang mga matatanda ay aming inaalala. Huwag nawa silang tumanda sa dusa. Mga anak nila at mga nakababata, sila nawa’y arugain at huwag siphayuin. Nananalangin kami sa iyo, Panginoon.

P – Panginoon, patuloy mong hinahanap ang mga nawawala mong anak at sa bawat paglago ng iyong mga hinirang ipinapakita mo ang iyong kasiyahan. Dinggin mo ang mga dalangin ng iyong sambayanang kumikilala sa iyo. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Jesukristong aming Panginoon.

B – Amen.

 

 

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME (C)

INTRODUCTION

Good _________, brothers and sisters. We are on the fourth Sunday in Ordinary Time, year C. Our Gospel reading continues the reading of last Sunday from the Gospel of Luke when Jesus read a scripture passage from the Book of the Prophet Isaiah (61:1-2). Today, we hear Jesus being driven away from the temple and was attempted to be thrown into the cliff. There are times that proclaiming the Good News of the Lord entails persecution, suffering and even death. But in all this, the message of love must remain in our hearts and souls. Ang head presider in our liturgical gathering today is Rev. Fr. ______. Let us all rise as we begin our celebration.

FIRST READING

Our first reading narrates the call of a young man to prophesy for the Lord. God forewarned him that he must continue to do his work even when the people refused to accept his message. This young man is Jeremiah. Let us now listen to

SECOND READING

Just after Saint Paul explained the gifts of the Holy Spirit, he moved on to saying that above all the gifts desire the gift of Love. It unites all the gifts and is the highest of all gifts. He said it to the Corinthian community who were so proud of the gifts they received.

PRAYERS OF THE FAITHFUL

P - Let us open our hearts to praise God’s goodness, for he loves us and listens to our prayers. Let our response be – Loving God, hear our prayer.

1 – You loved us even before we learned to love you. Call our brothers and sisters who have fallen into sin and show them the vastness of your mercy. We pray to you, Lord.

2 – Our weak humanity you do not press down. Our sins you do not regard. Have mercy on our leaders whenever they have fallen. Lift them up and grant them your grace. We pray to you, Lord.

3 – We lift up our youth to you. Help them and guide them. Let them not be astray to drugs. Instead may they be brought to a more spiritual consciousness. We pray to you, Lord.

4 – Lead your people who are in the field of Media. May they bring about values of hope and truth, over and above profitability. We pray to you, Lord.

5 – Remember the elderly. May they get old gracefully and that their children take care of them as they reach the twilight of their lives. We pray to you, Lord.

P – Lord, you never grow weary looking for your sons and daughters and for those who are in your service you delight in every inch of growth in the spirit. Listen to the prayers of those who extol you. All these we ask in the name of Jesus the Lord.

A – Amen.

 

PALIWANAG UKOL SA MGA PAGBASA NG ATING MISA

Tinawag ng Diyos si Jeremias noong siya ay nasa bandang bente anyos. Naganap ito noong 628 B.C. bago naganap ang pagkapatapon ng mga Hudyo sa Babilonia. Isa siya sa mga magbibigay babala sa Israel ng napipintong pagkatalo ng Juda sa kanyang kaaway. Ngunit siya ay di pinaniwalaan at bagkus inusig pa. Mahalaga ang unang pagbasa sa Jeremias 1:4-5, 17-19, dahil ang Ebanghelyo (Lucas 4:21-30) ay magsasalarawan ng pagtanggi ng mga Hudyo sa mensahe ni Kristo.

Sa likod ng lahat ng pag-alimura, pag-uusig at di pagtanggap ng mga tao, dapat ipagpatuloy ni Jeremias ang kanyang pagpapahayag na may taglay na pag-ibig. Dahil dito, angkop ang ating ikalawang pagbasa ngayon. Kung mapapansin ninyo, ang binasa noong isang Linggo ay hango din sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sa ikalabindalawang kabanata na kung saan tinalakay niya ang mga kaloob ng Espiritu Santo. Ayon sa kanya, ito raw ay siyam: (1)pagsasalita sa iba’t ibang wika (speaking in tongues), (2)pagbibigay kahulugan ng ibang wikang ito (interpretation of tongues), (3)pagpapahayag o propesiya, (4)pananampalataya (faith), (5)pagpapagaling (healing), (6)paggawa ng himala (miracles), (7) salita ng kaalaman (word of knowledge), (8) salita ng karunungan (word of wisdom) at (9)pagkilala sa mga espiritu (discernment of spirits).

Ang pagpapaliwanag na ito ni San Pablo sa mga taga-Corinto ay buhat sa nagaganap na kumpetisyon sa kanila. Kundangan kasi ang mga taga-Corinto ay pinagkalooban ng maraming mga kaloob gaya ng nabanggit, ngunit ang problema ay nagpapataasan sila. Kaya nagsalita si Pablo tungkol sa pagiging kabahagi ng iisang Katawan ni Kristo ang bawat Kristiyano. Samakatuwid, ang bawat isa ay pinagkalooban ng iba’t ibang kaloob na dapat gamitin para sa ikabubuti ng lahat at hindi upang ipagparangalan.

Dahil dito, sinundan ni Pablo ang pagtatalakay sa tunay na kaloob na dapat pakahangarin ng mga taga-Corinto at nating lahat – ang kaloob ng Pag-ibig. Kung susundan natin ang mga unang talata ni Pablo tungkol sa pagpapaliwanag tungkol sa pag-ibig, tinutugunan niya ang mga ugali ng mga taga-Corinto. Ang pag-ibig daw ay matiyaga at mababang loob. Ang mga taga-Corinto ay mayayabang at madaling magalit. Hindi raw seloso ang pag-ibig at di nagtatanim ng sama ng loob. Napakagandang pagnilayan ang ikalabintatlong kabanata ng unang sulat ni San Pablo. Maganda itong isabuhay ng ating mga sambayanan, kung ito ay nagsisimula nang magpayabangan ng kani-kanilang mga kakayanan.

Ang ating Salmong tugunan (Salmo 71) ay nagpapahayag ng ganitong puso – puso ng pag-ibig at ito ay ipinapamalas sa pamamagitan ng panalangin ng pagtitiwala sa Diyos.

Si San Lucas ang may-akda ng "Ebanghelyo ayon kay San Lucas." Siya ay isang manggagamot at sumulat siya ng dalawang aklat na naging kabahagi ng Bibliya. Ito ay ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas at ang Gawa ng mga Apostol. Kung baga ang Ebanghelyo ang unang bolyum at and Gawa naman ang ikalawa.

Sa apat na ebanghelista (Mateo, Marcos, Lucas, Juan), bukod tanging si Lucas lamang ang Hentil o hindi Hudyo. Makikita natin ang pagbibigay pabor ni Lucas sa mga Hentil na Kristiyano sa ating pagbasa sa ebanghelyo ngayon (Lucas 4:21-30). Masasalamin ang pagkiling ni Jesus sa mga Hentil, dahil sa di pagtanggap ng mga Hudyo.

Ang larawan ni Jesus na ipinagtabuyan ng mga Hudyo ay larawan din ng mga unang Kristiyano na itiniwalag sa pananampalatayang Hudyo. Ito ang nagbunsod na ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo na Hudyo sana ang unang magtatamasa. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng relihiyong Kristiyano imbes na maging kabahagi pa rin ito ng pananampalatayang Hudyo.

 

ISANG PAGNINILAY UKOL SA BUHAY BUHAT SA ATING LITURHIYA

Hindi lahat ng tao matutuwa sa ginagawa natin. Magkaminsan, ginawa mo na ang alam mong "best" mo pero hindi pa rin natutuwa ang mga tao sa paligid mo. Dahil dito, nadi "discouraged" tayo at ayaw na nating gawin ang maganda na nating ginagawa. Pero huwag tayong tumigil. Ipagpatuloy natin ang gawain na nakaatang sa atin.

Minsang tinanong ni Mother Teresa ang isang magmamadre kung bakit siya gustong pumasok sa konggregasyon nila. Ang sagot ng dalaga ay dahil sa gusto niyang tumulong sa mga mahihirap, gusto niyang alagaan ang mga matatanda at kalingain ang mga may kapansanan. Natuwa si Mother Teresa ngunit sinabi niya na hindi ito ang tunay na dahilan kung bakit siya papasok sa kanilang konggregasyon. Papasok siya dahil kay Kristo, tanging kay Kristo at laging kay Kristo.

Tama si Mother Teresa. Hindi laging "rewarding" ang gawain ng pag kawang gawa. Hindi laging puri ang tinatamasa, bagkus pa nga, pula at pag-uusig ang minsang nararanasan natin. Wala ring materyal na maaasahan. Di ka yayaman sa paglilingkod mo lamang sa Panginoon. Ikaw pa nga ang maglalabas para sa gawain ng Diyos – panahon, talento at salapi. Kung titingnan mo lamang ang iyong ginagawa, magkakaroon ka ng pagkasiphayo. Pero kung ang lahat ng gawain ay para kay Kristo, makakaranas ka ng kapayapaan sa puso.

Magkaminsan, mahirap magmahal, lalung lalo na sa mga taong umusig sa atin, umalimura o naging sanhi ng ating kamalasan. Ngunit ang pagiging Kristiyano ay isang relihiyon ng pag-ibig. Sa ating ikalawang pagbasa, maganda ang pagsasalarawan ni Pablo tungkol sa pag-ibig. Hindi raw ito mapagmataas at nananaghili, bagkus natutuwa sa biyaya ng kapwa niya. Ang ganitong kalagayan ay mahirap maganap sa atin. Natural tayong naiinggit sa mga taong mas angat kaysa sa atin na dati namang kapantay lang natin. Minsan naiinis tayo sa mga taong mababa sa atin at ngayon ay nakahihigit na sa atin. Dahil dito, kinakailangan natin ang biyayang maging masaya sa pagpapala ng iba, maski wala pa tayo ng pagpapalang tinanggap nila. Hilingin din natin na umiral sa ating puso ang pagmamahal sa mga taong naging sanhi ng ating kamalasan. Hilingin natin ang biyaya na magpatawad sa mga taong nagdulot sa atin ng kapighatian.