San Lorenzo Ruiz de Manila Parish at Pleasant Hill Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan, Bulacan 3023 PH - An Invitation
| An Invitation |
![]() |
Minamahal kong kaibigan,
Sumulat ako sa iyo ngayon upang sabihin na ikaw ay mahalaga at mahal na mahal sa akin. Araw-araw ay sinusubaybayan kita. Ayaw kong ikaw ay mapahamak at masaktan. Sa tuwi-tuwina ay lagi kitang binabantayan. Walang humpay ang pagbibigay ko sa iyo ng pagmamahal at ipinadarama ko ito sa iyo sa lahat ng sandali ng iyong buhay. Pero parang ako’y di mahalaga sa iyo. Bakit? Kulang pa bang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo?
Parati kitang inaanyayahan na makita sa araw ng Linggo at kung Martes sa Healing Mass ngunit bale wala ito sa iyo. Gusto ko sanang mapuspos ka ng BANAL NA ESPIRITU para kung dumating man ang pagsubok sa buhay mo, di ka nanghihina at bumibigay. Lagi kitang hinihintay, subalit di ka dumarating. Lagi ka na lamang di sumisipot. Pero ganon pa man itinuturing pa rin kitang tunay na kaibigan.
Sabik na sabik akong makausap at makapiling ka. Lagi ka na lamang kasing nagmamadali kapag nakikipag-usap sa akin. Ganyan naman ang mga kaibigan ko, bukod sa malimit nila akong saktan, nakalilimot pa. Pero okay lang! Mahal pa rin kita.
Alam ko rin pag may problema ka. Alam mo bang nalulungkot rin ako kapag may lungkot kong nadarama? Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka. Ganyan kita kamahal. Sana bigyan mo naman ako ng lugar sa puso mo. Hindi kita bibiguin. Nais kong ibsan ang matagal mo nang tiisin.
O sige mula ngayon aasahan kita sa mga susunod na BANAL NA MISA AT HEALING MASS. Marami akong sorpresang nakalaan sa iyo doon. Gusto kitang bigyan ng isang buhay na ganap, masaya at may kapayapaan. Promise ko ‘yan sa iyo, pero please naman… huwag mo akong kalilimutan. Hihintayin kita!
Loving Friend,
JESUSCHRIST
P.S.
Siyanga pala, lagi rin akong naghihintay sa Eucharistic Adoration Chapel sa loob ng Simbahan, baka gusto mo rin ako doong dalawin para magkausap tayo ….
Same



