San Lorenzo Ruiz de Manila Parish at Pleasant Hill Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan, Bulacan 3023 PH - "Kapaskuhan 2005"
| "Kapaskuhan 2005" |
![]() |
Sa taong ito ng Eukaristiya at ng Mahal na Birhen, hatid sa bayan ng Diyos ang nakapagbabagong kapangyarihan ng Eukaristiya, at ang mapagmahal na kalinga ng Mahal na Birhen, ating Ina. Tinatawagan tayo ng Ama na magkaisa, lalo na ngayong Kapaskuhan. Tinipon tayo ni Kristo sa pagkakaisa; maging buklod natin ang pag-ibig na ibinubuhos niya sa puso ng bawat isa sa atin. Sa ating parokya, walang sinumang napakamaralita na walang anumang maibibigay. Walang sinumang napakapuno na, ang hindi makatatanggap ng anuman. Ang bawat isa ay may maibibigay, at ang bawat isa ay mayroong pangangailangan. Kaya manatili tayong nagkakaisa. Iyan ang diwang hatid ng Pasko. Magtulungan tayo. Mag-ugnayan tayo. Kapag nagkakaisa tayo, walang isa man sa atin ang kakapusin; magkakalunasan tayo ng pangangailangan. Mababawasan ang kahirapan ng mga maralita, giginhawa at babanal tayong sama-sama, at maisasagawa natin ang ating misyon mula sa Panginoon – na ihatid sa lahat ang Mabuting Balita. Suportahan rin natin ang ating Pamaskong Handog para sa mga mahihirap nating mga ka-parokya.
Maligayang Pasko at Pinagpalang Bagong Taon sa Inyong Lahat!
Rdo. Padre MARIO JOSE C. LADRA
Kura Paroko



