St. Francis of Assisi Catholic Church at 834 S. Orange Blossom Tr., Apopka, FL 32703-6560 US - Tagalog
|
Tagalog |
Ang mga Pilipino ay mapag-aruga, mapagmahal, at may respeto. Sila ay maunawain at maasikaso. Pinapahalagahan nila ang pakikisama, utang na loob, at pakikipagkapwa tao. Sila ay masayahin at sinasabing mapagpatawa. Hindi nag-aalinlangang ipakita ang kahinaan ng sarili, ang kanilang mga kamalian kahit kanilang mga pagsubok na nararanasan sa kanilang buhay. Para sa kanila laging may pag-asa sa dulo ng bahaghari. Ang mga Pilipino ay tanyag sa pagkakaroon ng mahusay na pakikipapag-ugnayan o pakikisama na may pagkakaisa sa anumang kasapi ng kanilang grupo. Ang pakikipag-ugnayan ay ang pagbubuo ng pagkakaibigan, pagiging malapit sa isat-isa, pagkakaroon ng pagbabahagi ng mga personal na karanasan, gawain, at mga interes. Ang mga pagtitipon sa pananaw ng mga Pilipino ay katulad ng isang pamilya na namumuhay sa ilalim ng isang pinuno – na walang iba kundi si Kristo. Sinusunod natin si Kristo, sa pamamagitan ng pagmamahalan ng isat-isa, para sa ikapagtutulungan at ikatututo ng bawat isa.













